Ang Tubig ay Buhay, Huwag Sayangin!
SA LOOB NG BAHAY: Buksan lamang nang bahagya ang gripo. Huwag hayaang nakabukas ang grip Gamitin ang tubig na pinaglabhan upang linisin ang banyo. Ayusin kaagad ang tumutulong gripo. SA LABAS NG BAHAY: Magdilig ng halaman sa umaga o sa gabi. Sa paglilinis ng harapan ng bahay, gumamit ng walis sa halip na magbuhos ng tubig. Ipaalam agad sa kinauukulan kapag may nakitang sirang tubo sa kalsada.